dzme1530.ph

Hanggang 14 pang bagyo, posibleng pumasok sa PAR sa natitirang bahagi ng taon

Labing isa hanggang labing apat pang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) simula sa Hulyo hanggang sa katapusan ng taon.

Sa climate forum, sinabi ni PAGASA senior weather specialist Rusy Abastillas na tatlo hanggang apat na bagyo ang maaring maranasan sa Hulyo.

Inaasahan din aniya sa susunod na buwan ang generally near to above normal rainfall sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas habang sa Mindanao ay maaring umiral ang normal rainfall condition, maliban sa Davao del Sur na nakikitaan ng below normal rainfall.

Dalawa hangang tatlong bagyo naman ang posibleng pumasok o mabuo sa PAR sa mga buwan ng Agosto, Setyembre, at Oktubre habang sa Nobyembre at Disyembre ay isa hanggang dalawa lamang.

Karaniwang dinadaanan ng bagyo kapag Hulyo, Agosto, at Setyembre ay ang Luzon, lalo na ang extreme Nothern Luzon simula Agosto hanggang Setyembre habang sa Oktubre ay maraming bagyo ang maaring dumaan sa Luzon, Central Luzon, pati na sa Visayas.

Idinagdag ni Abastillas na pagsapit naman ng Nobymebre hanggang Disyembre ay karaniwang tinatamaan ng mga bagyo ang  Visayas at Northern Mindanao areas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author