Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-suspinde at pagre-review sa hand-carried luggage policy ng MRT-3 bunsod ng concerns sa convenience ng mga pasahero.
Sa social media post, inihayag ng DOTr na nakarating kay Secretary Vince Dizon ang lumang polisiya hinggil sa limitadong hand-carried luggage sa MRT-3.
Kinuwestyon ni Dizon ang naturang polisiya at agad inatasan si MRT-3 General Manager Michael Capati na suspindihin ito at rebyuhin, kasabay ng pagbibigay diin na hindi dapat ito maging dahilan para lalong mahirapan ang mga commuter.
Alinsunod sa polisiya ng MRT-3, ipinagbabawal sa tren ang malalaking bagay o bagahe na may sukat na 2 by 2 feet.