Dalawa umanong operatiba ng militanteng grupong hamas ang nagtungo sa Pilipinas at nagtangkang mag-operate at makipag-alyansa sa mga lokal na terorista noong 2018 at 2022, ayon sa National Security Council (NSC).
Sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan malaya na isa sa mga ito ay bomb expert na inaresto at dineport sa Turkey limang taon na ang nakalipas.
Aniya, noong nakaraang taon naman ay mayroong isa pa na nakipag-usap sa local extremist groups upang makapag-operate sa bansa.
Ibinunyag ni Malaya na batay sa imbestigasyon ng Philippine National Police, ang Hamas operatives na nagtangkang pasukin ang bansa ay mayroong apat na pangunahing layunin.
Una, patayin ang mga Jews o hudyo sa Pilipinas, pangalawa ay mangalap ng pondo, pangatlo ay gamitin ang social media para ipalaganap ang kanilang propaganda at ang pang-apat ay maglunsad ng mga kilos-protesta sa mga embahada at iba’t ibang lugar para lumikha ng kaguluhan.