dzme1530.ph

Halo’t magkasalungat na oil price adjustment, ipinatupad ngayong Martes

Loading

Nagpatupad ang ilang oil companies ng halo’t magkasalungat na price adjustment simula ngayong Martes, Disyembre 2.

Bumababa ang presyo ng diesel ng ₱2.90 kada litro at kerosene ng ₱3.20 kada litro, habang tumaas naman ang presyo ng gasolina ng ₱0.20 kada litro.

Inaasahan ding mag-aanunsyo ng kani-kanilang advisories ang iba pang kumpanya ngayong araw.

Ayon sa Department of Energy, naapektuhan ang global crude prices ng posibleng US-brokered ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine. Nakatuon rin ang investors sa posibilidad ng oversupply sa pandaigdigang merkado.