dzme1530.ph

Halos ₱800-M halaga ng inabandonang proyekto ng Aurora Freeport Authority, sino-solusyonan na

Hinahanapan na ng solusyon ang halos ₱800-M halaga ng proyektong inabandona ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO).

Sa pamamahagi ng presidential assistance sa Baler Aurora, ipinabatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panghihinayang sa mga proyektong sana ay pinakikinabangan na ngayon ng mamamayan ng probinsya.

Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na inaaksyunan na ito ni APECO President at CEO Gil Taway IV, at ipinatigil na ang mga kontrata para sa muling pagsasagawa ng bidding, upang tuluyan nang matapos ang mga proyekto sa lalong madaling panahon.

Samantala, patuloy din umanong binabalangkas ang Baler Airport Development Project, at nakatakda nang ilabas ang pondo para sa pagbili ng lupang gagamitin sa proyekto.

Isusunod naman dito ang pagpapagawa ng Airport Passenger Terminal Building.

About The Author