Kulang kulang P4-M ang halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang abandonadong parcel ang naharang ng Bureau of Customs (BOC) at PDEA sa isang warehouse ng DHL sa Pasay City.
Ang nasabing parcel ay padala ng isang Cherry Aguiling ng Bacoor City, Cavite at naka consigned kay Gordon Wood ng Mount Riverview, NSW, Australia.
Nabatid na ideneklarang eyelash set, electric hair dryer, electric hair brush ang laman ng parcel kung saan nakasingit sa loob ng parcel ang pitong improvised pouches na naglalaman ng tinatayang 560 grams na shabu na may street value na aabot sa P3,808,000.
Naiturn-over na ng BOC sa NAIA-PDEA Interagency Drug Interdiction Task Group ang naturang illegal Drugs para sa karagdagang imbestigasyon. —sa ulat ni Tony Gildo