dzme1530.ph

Halos P3-M halaga ng expired na cosmetic products na ibinebenta sa online, nasamsam sa Malabon

Halos P3-M halaga ng expired na cosmetic products ang kinumpiska ng National Bureau of Investigation sa dalawang warehouse sa Malabon City.

Ayon sa NBI, pinapalitan umano ng expiration date ang mga produkto saka ibinebenta sa online.

Armado ng search warrant, pinasok ng nbi Intellectual Property Rights Division ang dalawang warehouse, kung saan natagpuan ang kahon-kahong beauty at cosmetic products na pawang expired.

Unang inakala ng mga otoridad na counterfeit o peke ang mga naturang produkto na ibinebenta sa social media, subalit nadiskubre na for destruction na ang mga ito sa disposal facilities.

About The Author