dzme1530.ph

HALOS KALAHATI NG MGA PINOY, WALANG TIWALAY KAY PBBM, BATAY SA ULAT NG BAYAN SURVEY

Loading

Halos kalahati ng mga Filipino ang nagpahayag ng kawalan ng tiwala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa Pulse Asia 1st Quarter 2026 ulat ng Bayan.

 

Sa nationwide survey na isinagawa mula February 27 hanggang March 2 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults, lumitaw na 35 percent ang may tiwala sa Pangulo, habang 44 percent ang walang tiwala at 21 percent ang undecided.

 

Naitala rin na 36 percent ang approve sa trabaho ng Pangulo, habang 45 percent ang hindi pabor sa mga trabaho ng Pangulo at 18 percent ang undecided.

 

Sa kabilang dako, naitala ni Vice President Sara Duterte ang 54 percent na may tiwala sa kanya, habang 26 percent ang walang tiwala at 20 percent ang undecided.

 

Nasa 55 percent naman ang approval rating sa Bise Presidente, habang 27 percent ang disapproved at 18 percent ang undecided.

 

Kung ikukumpara naman sa ratings noong March 2025, tumaas ng 11 percent ang approval ratings sa Pangulo at tumaas ng 10 percent ang trust ratings.

 

Sa Bise Presidente naman, bumagsak ng 7 percent ang kanyang trust ratings.

About The Author