Aabot sa 66 na lugar sa bansa ang posibleng makaranas ng dry condition, dry spell at drought o matinding tagtuyot ngayong taon dahil sa El Niño.
Sa inilabas na advisory ng Department of Agriculture–Disaster Risk Reduction and Management Section (DA-DRRMC), maaaring makaranas ng dry condition ang 20 lugar sa Mindanao, lima sa Visayas at, tatlo sa Luzon na posibleng madagdagan pa at umabot sa 26.
Nagbabadya naman ang dry spell sa 32 lugar sa Luzon at apat sa Visayas.
Asahan din ang epekto ng tagtuyot na mararanasan sa lalawigan ng Camarines Norte at Southern Leyte.
Nitong Hulyo a-4 itinaas ng pagasa sa El Niño Advisory ang alert and warning system sa bansa.
Ayon pa sa PAGASA, dahil sa El Niño maaaring 14 na bagyo lang ang pumasok sa bansa. Kung kaya’t dapat samantalahin ng publiko ang pag-uulan para mag-ipon ng tubig. —sa panulat ni Joana Luna