Mayorya ng mga Pilipino ang pabor na ipagpatuloy ang Ayuda para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP), ayon sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.
Sa Jan. 25-31, 2025 non-commissioned survey sa 1,200 respondents, 69% ang nagpahayag suporta sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng AKAP, dahil epektibo at mahalaga umano ang naturang programa.
Pinakamataas ang suportang natanggap mula sa Balance Luzon na nasa 74% habang pinakamababa sa Visayas na nasa 63%.
Lumitaw din sa survey na 79% ng mga Pinoy ang aware o batid ang pag-iral ng AKAP.
Pinakamataas ang awareness sa Visayas, 88%; sumunod sa Mindanao, 85%; at Metro Manila, 81%.