![]()
Magde-deploy ang PNP ng halos 60,000 personnel, kabilang ang mga pulis at force multipliers sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng Semana Santa at summer vacation.
Sa press briefing kanina, sinabi ni PNP Public Safety Division Tourist Security and Protection Section Chief, Police Captain Amie Centro-Tiu, na kabuuang 59,416 personnel ang ipapakalat sa ilalim ng “Ligtas Semana Santa 2026.”
Sa naturang bilang, 39,540 ay PNP personnel; 5,185 ay augmentation forces; at 14,691 ay mula sa advocacy groups.
Ayon sa PNP, tututukan ng mga awtoridad ang 3,277 tourist destinations sa buong bansa, kung saan paiigtingin ang police visibility sa pamamagitan ng foot patrols at assistance desks.
Wala namang partikular na banta na na-monitor ang PNP sa ngayon, kabilang sa mga simbahan.
Posible rin umanong bumaba ang bilang ng mga turista dahil sa pagtaas ng oil prices at travel costs dulot ng tensyon sa Middle East.
