dzme1530.ph

Halos 60% ng mga taga-Mega Manila, naniniwalang lumala ang korapsyon sa DPWH

Loading

Mayorya o 59% ng mga residente sa Mega Manila ang naniniwala na lumala ang katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nakalipas na tatlong taon.

Batay sa October 2025 Mega Manila survey ng Social Weather Stations (SWS), na nilahukan ng 600 adult respondents mula sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, nanguna ang DPWH sa mga ahensya na pinaniniwalaang talamak ang korapsyon.

Sumunod ang Bureau of Customs at Senado, kapwa may 16 percent, habang ang Bureau of Internal Revenue at Office of the President ay may tig-tatlong porsyento. Ang Department of Health, Department of Education, at Land Transportation Office naman ay may tig-dalawang porsyento.

Lumobo ang general public perception tungkol sa katiwalian sa DPWH ngayong 2025 sa gitna ng isinasagawang mga pagdinig kaugnay ng maanomalyaang flood control projects.

About The Author