dzme1530.ph

Halos 50% ng mga Pinoy, naniniwalang mapanganib maglathala ng anumang kritikal laban sa pamahalaan

Halos kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang mapanganib maglathala ng anumang kritikal laban sa gobyerno, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng Dec. 10 to 14 survey ng SWS na nilahukan ng 1,200 adult respondents, 47% ang nagsabing delikado na i-print o i-broadcast ang content na kontra sa administrasyon, kahit na ito ay totoo.

27% naman ang undecided habang 26% ang hindi sang-ayon.

Sinabi ng SWS na isinagawa ang survey para i-assess ang opinyon ng respondents sa kalagayan ng press freedom sa bansa.

Matatandaang umakyat ang Pilipinas ng labinlimang spots sa 2023 World Press Freedom Index na ni-release ng Paris-based na reporters without borders, kung saan nasa rank 132nd ang bansa mula sa 180 countries. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author