Umabot na sa halos 4,000 mga kandidato sa National at Local Elections sa susunod na taon, ang nagparehistro na ng kanilang social media accounts sa Comelec.
Sa datos mula sa poll body, kabuuang 3,904 candidates ang nagsumite ng kanilang online registration, as of Dec. 4.
Kabilang dito ang 24 na senatorial bets, 3,775 local aspirants, at 105 representatives ng party-list organizations.
Itinakda ng Comelec ang deadline para sa registration ng online campaign platforms sa Dec. 13. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera