dzme1530.ph

Halos 30k na kabahayan sa Oriental Mindoro, apektado ng oil spill

Aabot na sa halos 30,000 pamilya ang apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa bayan ng Naujan Oriental Mindoro. 

Sa inilabas na datos ng DSWD, nasa 29,432 na pamilya o katumbas ng 131,996 na indibidwal na naninirahan sa 121 barangay sa Oriental Mindoro, Palawan at Antique ang lubhang napuruhan ng tumagas na kemikal. 

Nakapagpaabot na rin aniya sila ng nasa P7-M tulong sa mga apektadong residente katuwang ang LGUs at pribadong organisasyon. 

Ayon sa DSWD, may nakalaang P778-M standby fund ang kanilang ahensiya para tugunan ang pangangailangan ng mga residente. 

Samantala, nagpapatuloy ang massive clean-up drive ngayong araw ng Philippine Coast Guard, LGUs at volunteers sa bayan ng Pola, na isa sa pinakaapektado ng oil spill. 

About The Author