![]()
Umabot sa halos 300 silid-aralan ang nagtamo ng pinsala matapos ang magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Bogo City, Cebu at karatig-lugar nitong Martes ng gabi.
Ayon sa Department of Education (DepEd), mahigit 16,859 na paaralan sa 73 school divisions ang exposed sa epekto ng lindol.
Batay sa initial reports ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), 2,220 learners at 97 teaching at non-teaching personnel ang naapektuhan.
Sa Region 6, 7, 8, at Negros Island Region, iniulat ang 34 classrooms na tuluyang nasira, 26 na may major damage, at 197 na may minor damage. Anim na WASH facilities ang nadamay, at wala namang napaulat na nasaktang estudyante.
Hinimok ng DepEd ang mga paaralan at komunidad na manatiling alerto at unahin ang kahandaan dahil sa banta ng aftershocks.
