dzme1530.ph

Halos 30 katao, patay sa aksidente ng bus sa Mexico

Patay ang nasa 27 katao matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa Oaxaca, Southern Mexico.

Kabilang sa mga nasawi ay 13 lalaki, 13 babae at isang sanggol na lalaki.

Umabot naman sa 21 ang sugatan habang 12 iba pa ang nasa kritikal na kalagayan.

Kwento ng mga nakaligtas, galing sila sa Yosondua at patungo sanang Mexico City nang mangyari ang insidente. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author