dzme1530.ph

HALOS 30 BILLION PESOS, MAWAWALANG KITA NG GOBYERNO KAPAG SINUSPINDE ANG KOLEKSYON NG FUEL EXCISE TAX

Loading

Halos 30 billion pesos ang mawawalang kita ng pamahalaan kapag sinuspindi ng gobyerno ang pagkolekta ng excise tax sa produktong petrolyo.

 

Ito’y kung isususpinde nang buo ang excise tax hanggang buwan ng Disyembre o hanggang matapos ang taon.

 

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, malaking kawalan sa gobyerno ang mawawalang koleksyon sa excise tax, subalit kailangan itong gawin para maagapayan ang taumbayan sa mabilis na pagtaas ng presyo ng langis sa int’l at local market.

 

Sa ngayon ay naglalaro na umano sa $94 per barrel ang langis, at inaasahan na patuloy pa ring tataas sa mga susunod na araw.

 

Ipinunto naman ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na hindi dito luge ang gobyerno kahit na burahin ang excise tax.

 

Aniya, mababawi rin naman ang 30 billion losses sa excise tax mula sa kinokolekta na VAT on fuel, lalo na kung lumobo nang todo ang presyo ng langis sa merkado.

 

Para naman kay Quimbo, hindi kayang i-compensate ng VAT ang mawawalang kita sa excise tax on fuel, pero ito aniya ay “bitter pill to swallow” bilang proteksyon sa taumbayan at ekonomiya.

About The Author