Dalawampu’t siyam na barko ng China ang dumaan sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Navy.
Na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 15 Chinese Coast Guard vessels at 14 na People’s Liberation Army Navy vessels na tumawid sa bisinidad ng Bajo de Masinloc, Sabina Shoal, Julian Felipe Reef, at Iroquois Reef.
Sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na umaandar, at hindi naman stationary ang naturang Chinese vessels.
Samantala, inihayag din ng Navy na kabuuang 13,874 vessels ang na-monitor na dumaan sa buong kapuluan ng bansa simula Oct. 1 hanggang 31.
Sa naturang bilang, 11,097 ang foreign vessels habang 2,777 ang domestic vessels. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera