dzme1530.ph

Halos 2k na tauhan ng PNP, nag-apply para sa early retirement

Nasa 1,700 na tauhan ng Pambansang Pulisya ang nag-sumite ng aplikasyon para sa maagang pagreretiro.

Ito’y sa gitna ng kasalukuyang isyu tungkol sa pensyon para sa Military at Uniformed Personnel (MUP).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, marami sa kanilang nga tauhan ang nababahala na baka mabawasan ang kanilang pensyon.

Sinabi ni Fajardo na inaasahan pa nilang aakyat ang bilang ng mga mag-aapply ng early retirement ngayong taon.

Nabatid na noong 2022, ay mayroon nang 2,449 na mga pulis ang nag-apply ng early retirement.

Samantala, inihayag ni Fajardo na ongoing ang kanilang consultations sa mga pulis para malaman ang kanilang pulso sa reporma sa MUP pension scheme. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author