Umaabot sa 1,992 pang mga pangalan na iniuugnay sa ₱500-million confidential funds na umano’y hindi ginamit sa tama ni Vice President Sara Duterte ang kailangang beripikahin ng Philippine Statistics Authority.
Ipinadala ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairperson at Manila Rep. Joel Chua sa PSA ang bagong listahan ng acknowledgement receipts na umano’y tumanggap ng confidential funds ni Duterte.
Ginawa ni Chua ang hiling na beripikasyon matapos mabunyag sa PSA report ang malaking discrepancies sa naunang batch ng mga pangalan na iniuugnay sa ₱112.5 million na confidential funds.
Ipinamahagi umano ito ng Department of Education noong mga panahong pinamumunuan ito ni VP Sara. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera