dzme1530.ph

Halos 20k na Muslim, nagtipon sa Luneta Park sa pagdiriwang ng Eid al Adha

Halos 20,000 na Muslim ang nakiisa sa pagdiriwang Eid al Adha na pinangunahan nila Coordinator Organizer Imam Ustad Akmad Haron.

Pasado alas-4:20 ng madaling araw ng simulan ang nasabing programa na dinaluhan ng ibat-ibang lahi ng Muslim mula sa Metro Manila at karatig siyudad sa NCR.

Naging matagumpay at peaceful naman ang nasabing aktibidad kasabay ng seguridad na inilatag ng Manila Police District (MPD) sa Quirino Grand Stand sa Luneta Park, Maynila.

Pinangunahan ng ama ng kapulisan na si MPD director PBGen Andre Dizon, na nagtungo pa sa lugar gamit ang bike patrol katuwang ang nasa 20 tauhan nito.

Nagpasalamat naman ang mga kapatid nating Muslim sa mga suportang ipinakita sa kanila sa aktibidad kabilang na ang Manila LGU, National Park Development Committee (NPDC) at MPD. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author