dzme1530.ph

Halos 200 dayuhan, naharang ng DFA sa pagtatangkang pagkuha ng Philippine passport

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na nasa 171 na mga dayuhan ang nagtangkang kumuha ng Philippine passport simula noong Nobyembre 2023 subalit hindi nakalusot.

Sa pagtalakay sa 2025 proposed budget ng DFA, iniulat ni Asec. Adelio Cruz, head ng DFA Office of Consular Affairs na karamihan sa mga dayuhan ay may dalang genuine birth certificate at delayed birth registration.

Karamihan aniya sa mga ito ay first time lamang kukuha ng pasaporte.

Kinumpirma rin ni Cruz na meron ding nagdala ng pekeng birth certificate na nakunan ng biometrics at nakaalerto na sa lahat ng consular offices upang hindi na makapagforum shopping.

Iginiit naman ni Sen. Loren Legarda na dapat mahuli at makasuhan din ang mag dayuhang nagtangkang kumuha ng foreign nationals.

Sinabi ni Cruz, 71 cases na ang nairefer sa National Bureau of Investigation subalit inamin na meron na ring nakaalis na sa DFA nang hiindi naisuplong.

May 66 na dayuhan naman ang nakansela ang pasaporte na lumitaw na iregular ang pagkakakuha.

Tiniyak din ng DFA na nakaalerto ang lahat ng kanilang tauhan sa mga dayuhang gumagawa ng iba’t ibang paraan para makakuha ng pasaporte kasabay ng kanilang pakikipag-ugnayan sa PNP para magkaroon ng memorandum of understanding upang agad na makaresponde ang pulisya kapag may nagtangkang kumuha ng pasaporte. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author