dzme1530.ph

Halos 20 katao nasawi sa aksidente ng sasakyan sa Pakistan

Patay ang 17 katao habang 41 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang truck sa Southwestern Pakistan.

Nangyari ang aksidente alas-10 ng gabi sa hub district ng Balochistan province nang mawalan ng kontrol ang driver ng truck bunsod ng labis na pagpapatakbo o overspeeding.

Patungo sana ang nasawing religious pilgrims sa prayer site noong nagdaang Eid’l Fitr.

Nakaligtas naman ang driver matapos tumalon mula sa truck bago mahulog sa bangin ang sasakyan.

About The Author