Tumaas pa ang bilang ng mga apektadong residente sa bansa dahil sa epekto ng habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 1,979,308 katao o katumbas ng 548,059 pamilya ang apektado ng sama ng panahon.
Habang nasa 97,556 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa 749 evacuation centers sa buong bansa.
Samantala, sumirit na sa ₱3 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng sama ng panahon sa mga rehiyon kabilang ang Region 1, Region 3, MIMAROPA, Region 6, at CAR.
Umakyat na rin sa 30 siyudad at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity.
Nanatili sa 2 ang kumpirmadong nasawi, habang 5 ang patuloy na bineberipika, 7 ang nasaktan, at 8 ang naitalang nawawala.