dzme1530.ph

Halos 15 patay sa salpukan ng sasakyan sa Canada

Hindi bababa sa 15 katao ang nasawi matapos magsalpukan ang isang trailer truck at bus sa lalawigan ng Canadian Prairie sa Manitoba, Canada.

Ayon kay Manitoba Royal Canadian Police Assistant Commissioner Rob Hill, sakay ng bus ang 25 katao na karamihan ay senior citizen na patungo sanang casino nang maganap ang insidente.

Nakaligtas naman aniya ang drayber ng dalawang sasakyan habang patuloy na nagpapagaling ang mga nakaligtas sa naturang aksidente.

Nagpahayag ng kanyang pakikiramay si Prime Minister Justin Trudeau sa mga naiwang pamilya ng mga biktima lalo na’t ito na aniya ang pinaka malalang road accident sa recent Canadian history. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author