dzme1530.ph

Halos 100 OFWs mula sa Lebanon at Kuwait, dumating sa bansa

99 na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Lebanon at Kuwait ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 via Qatar Airways Flight QR934.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang grupo ay binubuo ng 20 OFWs mula sa Lebanon at 79 mula sa Kuwait, kabilang ang 5 na dependents.

Ang mga repatriated OFW ay sinalubong ng OWWA at binigyan ng agarang assistance tulad ng pagkain, transportasyon, at hotel accommodation kung kinakailangan.

Tiniyak din ng ahensya na tutulungan nila ang mga OFW na nais na bumalik sa mga probinsya.

Samantala, hinimok ng Philippine Embassy sa Beirut na ikondisera ng mga Pinoy ang pag-alis sa Lebanon, sa harap ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hezbollah. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author