Patay ang 92 katao kabilang ang mga bata, habang 26 ang nawawala makaraang tumaob ang isang ferry boat sa hilagang baybayin ng Mozambique.
Ayon kay Maritime Transport Institute(INTRASMAR) Administrator Lourenco Machado, mula sa Lunga sa Nampula province ang bangka na patungo sana sa Mozambique Island nang mangyari ang aksidente.
Napag-alaman aniya ng mga otoridad na isang fishing boat ang tumaob na bangka, dahil sa overcrowding at wala itong lisensya para gawing transportasyon.
Ayon pa kay Machado, nakatanggap sila ng ulat na tumakas ang mga biktimang pasahero bunsod ng outbreak ng cholera sa lalawigan ng Nampula.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang aksidente.