Nagdeklara ng state of emergency ang Halifax City sa Canada dahil sa wildfire.
Ayon sa mga otoridad, inilikas na nila ang mahigit 16,000 indibidwal na naapektuhan ng insidente.
Marami na rin anilang kabahayan at gusali ang nasira, at nawalan ng suplay ng kuryente.
Sinabi naman ni Halifax Fire Deputy Chief Dave Meldrum na mabilis na kumakalat ang apoy at hanggang sa ngayon ay hindi pa ito naaapula.
Posible rin aniyang umabot ng isang linggo ang wildfire dahil sa kakulangan ng ulan na makatutulong sa pag-apula ng sunog.
Gayunpaman, walang napaulat na sugatan sa nasabing wildfire. —sa panulat ni Airiam Sancho