![]()
Sumadsad ang piso sa 60 pesos per 1 dollar level sa unang pagkakataon kaninang umaga, kasabay ng pagsirit ng global oil prices sa gitna ng tumitinding kaguluhan sa Middle East.
Bumagsak ang piso sa 60 pesos at 4 centavos kaninang umaga, matapos magbukas ang session sa 59 pesos at 9 centavos per 1 dollar.
Ito na ang pinakamahinang performance ng local currency makaraang bumagsak sa intraday low na 59 pesos at 95 centavos per 1 dollar noong March 16.
Nagsara ang palitan kahapon sa 59 pesos at 52 centavos per 1 dollar.
Kasunod ito ng pag-akyat ng benchmark crude prices ng 5% o mahigit 108 dollars matapos targetin ang Pars gas field ng Iran kahapon.
