![]()
Naitala sa panibagong record low ang halaga ng piso kontra dolyar, sa harap ng global uncertainties bunsod ng lumalalang kaguluhan sa Middle East.
Sa website ng Bankers Association of the Philippines, nagsara ang palitan kahapon sa 59 pesos at 50 centavos per 1 dollar.
Mas mababa pa ito sa dating record na 59 pesos at 46 centavos noong Jan. 15 ngayong taon.
Bago ang pag-atake ng US at Israel sa Iran noong huling bahagi ng Pebrero, nasa winning streak ang piso, sa 57 pesos at 51 centavos per 1 dollar noong Feb. 25.
