dzme1530.ph

HALAGA NG PISO, BUMALIK SA 59-PESO PER DOLLAR LEVEL

Loading

Nagsara ang palitan kahapon sa 59 pesos at 17 centavos per one dollar, mas mataas ng 27.4 centavos kumpara sa 58 pesos at 89 centavos noong Martes.

 

Iniugnay ni Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp., ang paghina ng piso sa mixed signals mula sa Trump administration.

 

Una nang binalaan ni US President Donald Trump ang Iran laban sa pagtatanim ng bomba sa Strait of Hormuz, na isang mahalagang global shipping corridor, sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.

About The Author