dzme1530.ph

HALAGA NG PISO, BUMAGSAK SA PANIBAGONG ALL-TIME LOW

Loading

Patuloy ang paghina ng piso laban sa dolyar, matapos sumadsad sa panibagong all-time low kahapon.
 
Sa gitna ito ng pagtaas pa ng global oil prices bunsod ng lumalalang kaguluhan sa pagitan ng Iran at US sa Middle East.
 
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱60.69 per dollar.
 
Mas mababa ito ng 14 centavos kumpara sa palitan noong Biyernes na ₱60.55 per dollar na dating record low.
 
Ito na ang ikapitong beses ngayong buwan ng Marso na bumagsak sa all-time low ang halaga ng piso.

About The Author