dzme1530.ph

Halaga ng overpriced projects ngayong taon, posibleng pumalo sa ₱1 trilyon

Loading

Naniniwala si Sen. Loren Legarda na posibleng pumalo sa ₱1 trilyon ang kabuuang halaga ng mga overpriced na proyekto ng gobyerno sa ilalim ng 2025 national budget.

Kaya naman, hinimok ng senador ang Department of Public Works and Highways na irealign sa edukasyon ang anumang pondong matitipid sa mga kwestyonableng proyekto ngayong 2025.

Ito ay sa oras na ipatupad ang masusing pagrepaso sa mga ongoing projects o kaya ay nasa bidding process pa lang at hindi pa nasisimulan.

Iminungkahi pa ng senador na magkaroon ng renegotiation sa mga proyekto kahit mayroon nang kontrata dahil maaari naman nila itong gawin alinsunod sa New Government Procurement Act.

Ipinaalala ni Legarda na hindi dapat patuloy na magpaloko sa mga overpriced na proyekto.

Nangako naman si DPWH Sec. Vince Dizon na kanilang ipatupad ang cost adjustment para sa mas mababang halaga ng mga materyales.

Pag-aaralan din anya ang mga ongoing na proyekto kung paano mahahabol, habang ang mga hindi pa naa-award ay titiyaking maibababa ang halaga.

Iginiit ni Legarda na anumang matitipid ay dapat dalhin sa mga school infrastructure tulad ng pagtatayo ng mga school buildings at classrooms.

About The Author