Tumaas ang halaga ng metal production ng 4.8%noong 2023, batay sa datos mula sa Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Sa report ng MGB, umakyat sa P249.05-b ang metal production value noong nakaraang taon mula sa P237.66-b noong 2022.
Halos kalahati ng total production value o P106.64-b ay gold, na mas mataas ng 17% kumpara sa P91.05-b noong 2022.
Sumunod ang nickel ore na nasa P66.84-b na mas mataas ng 7% mula sa sinundan nitong taon.