Tamang hakbang ang ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na kinunsulta ang National Security Council matapos bombahin ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang civilian vessels na maghahatid ng supply sa mga sundalong Pilipino sa Ayungin Shaol.
Ito ang sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, habang nasa 44th AIPA General Assembly sa Jakarta, Indonesia.
Bukod sa karaniwang diplomatic protest na ginagawa ng Department of Foreign Affairs, ang pag konsulta sa AFP ang isang mabisang hakbang para harapin ang latest incident sa West Philippine Sea.
Pinuri din nito ang Pangulo sa matatag na paninindigan kaugnay sa soberanya ng Pilipinas sa WPS, at ang matikas na pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na hindi nila iiwan ang Ayungin Shaol. –sa ulat ni Ed sarto, DZME News