dzme1530.ph

Hakbang ng DOJ sa ICC Warrant of Arrest kay Duterte, nagpapalala sa tensyon nina Marcos at Duterte

Naniniwala si Senador Francis “Chiz” Escudero na hindi makatutulong upang mapahupa ang tensyon sa pagitan ng kampo nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasapubliko ng Department of Justice (DOJ) sa mga ‘legal options’ kung sa sandaling maglalabas ng Warrant of Arrest ang International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Escudero, normal na proseso na maghanda ang DOJ sa mga posibleng legal na hakbang para makapagprisinta ng complete staff work sa Pangulo.

Iginiit ng sendor na ginagawa naman ito sa lahat ng mga isyung kailangang pagdesisyunan ng Pangulo.

Nakapagtataka lamang para sa Senador na nagpatawag pa ng press conference ang DOJ at inanunsyo na may inihahanda silang mga legal options para may maging gabay ang Pangulo kapag may inilabas ng Warrant of Arrest ang ICC.

Maari aniyang magpalala pa ito sa tensyon sa pagitan ng mga Marcos at mga Duterte.

About The Author