Inaprubahan ng Timor-Leste Court of Appeals ang petition for habeas corpus na inihain ng mga abogado ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Ang petisyon ay inihain matapos arestuhin si Teves sa bahay nito sa Dili, at idinitine sa Ministry of the Interior.
Iginiit ng abogado ng dating mambabatas na si Atty. Ferdie Topacio na iligal ang pag-aresto sa kanyang kliyente, dahil walang ipinakitang anumang warrant o iba pang legal na mga dokumento ang mga awtoridad.
Idinagdag ni Topacio na inatasan ang Timor-Leste authorities na iharap si Teves sa Korte sa loob ng 48-oras.