dzme1530.ph

Guilty verdict ni Quiboloy, hindi patas – VP Sara Duterte

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na dapat mabigyan ng hustisya si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa gitna aniya ito ng tila pagpataw ng guilty verdict laban sa kontrobersyal na religious leader sa ginawang pagdinig ng Senado.

Ayon kay VP Sara, marami ang naniniwala na ang dinaranas ni Pastor Quiboloy ay pandarahas at hindi patas, dahil nakabatay lamang ang pagdinig sa mga paratang ng mga testigo na hindi mapatunayan ang kredibilidad.

Una nang na- cite in contempt si Quiboloy matapos na ilang beses na ipagbawalang-bahala ang subpoena na inilabas ng Senado.

Para sa kampo ng pastor, ito ay dahil na-conclude na sa resolusyon ng mataas na kapulungan na guilty ang pastor sa child abuse at human trafficking.

About The Author