Naglagak ang Government Service Insurance System (GSIS) ng $300-M o P16.9-B na puhunan para sa global infrastructure projects.
Nilagdaan ni GSIS General Manager at Acting Board Chairman Wick Veloso ang kasunduan sa Global Infrastructure Partners (GIP) emerging markets fund, at magiging saklaw ng investment ang transportasyon, enerhiya, at digitalization.
Ayon kay Veloso, ang partnership ay alinsunod sa layuning ma-diversify o magamit ang kanilang assets, at makalikom ng mas malaking returns o balik na pera para sa kapakinabangan ng mahigit 2-M GSIS pensioners.
Ang GIP ay naka-base sa New York City, USA na nangungunang global independent infrastructure fund manager.
Nakikipagsanib-pwersa ito sa public sector co-investors at stakeholders para mapaunlad ang imprastraktura ng iba’t ibang bansa. —sa ulat ni Harley Valbuena