![]()
Naglabas kahapon ang GSIS ng ₱3.93 bilyong Christmas cash gift para sa 411,692 pensioners, kabilang na ang pro-rata at Portability Law pensioners na ngayon lang unang naisama sa benepisyo.
Kasabay nito, pinaaga ng GSIS ang pag-credit ng December monthly pension sa ngayong araw, December 5, upang matulungan ang mga pensioner sa kanilang holiday budget.
Ayon kay GSIS President Wick Veloso, layon ng pagpapalawak ng coverage na mas palakasin ang suporta ng ahensya sa mga retirado ngayong Pasko.
Ang halaga ng cash gift ay katumbas ng isang buwang pension o hanggang ₱10,000 at awtomatikong idideposito sa GSIS ATM accounts.
Pinapaalalahanan ang mga pensioner na tiyakin na updated ang kanilang Annual Pensioners’ Information Revalidation (APIR) upang hindi maantala ang benepisyo.
