dzme1530.ph

Grupong pumatay kay ex-PCSO Board sec. Barayuga at ex-Mayor Halili, aalamin kung iisang grupo lamang —PNP

Tinitignan ngayon ng Philippine National Police kung may posibilidad na may kaugnayan ang pagpatay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga at former Tanauan Batangas Mayor Antonio Halili.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, pinag-aaralan nila ang anggulong maaaring iisang grupo lang ang pumaslang sa dalawa.

Base umano sa pagdinig ng Kamara, lumalabas na pawang mga pulis ang isinasangkot sa krimen.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na ayaw niyang pangunahan ang nagpapatuloy na imbestigasyon dahil maituturing itong “sensational cases”.

Ipinauubaya na sa CIDG ng PNP ang pag galugad sa kaso para malaman ang lalim nito. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author