Target ng mga tsuper at operator na maglunsad ng tigil-pasada sa Metro Manila sa gitna ng nalalapit na deadline ng consolidation ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa April 30.
Ayon kay Mody Floranda, pangulo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor nationwide (PISTON), mariin nilang kinokondena ang bantang crackdown sa mga pampublikong sasakyan, dahil alam naman aniya na talagang nagdurusa ang mga jeepney driver at operator sa bansa.
Tinukoy nito ang pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na huhulihin ang mga kolorum na jeepney simula sa unang araw ng Mayo.
Sa ngayon, umaasa si Floranda na maglalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa implementasyon ng PUV modernization program ng pamahalaan, base sa kanilang inihain ng petisyon noong December 2023.