Naghain ng petisyon ang grupong Bayan Muna sa Korte Suprema para hilingin na ideklarang unconstitutional at void ang Maharlika Investment Fund.
Mismong sina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, dating Bayan Muna representatives Carlos Isagani Zarate at Ferdinand Gaite ang nagtungo sa Korte Suprema para personal na ihain ang nasabing petisyon.
Ayon kay Colmenares, bukod sa paglabag sa konstitusyon, itinuturing rin na grave abuse of discretion ang Maharlika Law.
Aniya, ang unang paglabag ng nasabing batas ay ang hindi nito pagdaan sa nakasaad sa kontitusyon gayundin sa economic viability.
Dapat daw ay kinunsidera muna ang mga ito bago magtayo ng government-owned and controlled corporation (GOCC).
Kiniwestyon rin nila ang kakayahan ng Maharlika Investment Fund kung saam paglalaanan daw ito ng pondo pero walang kasiguraduhan kung kikita.
Hindi rin daw kilala o alam ng publiko kung sinu-sino ang nasa likod o magpapatakbo ng Maharlika Investment Fund na dapat daw sana ang pondo ay ipamahagi na lamang sa mas nangangailangan na Pilipino. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News