dzme1530.ph

Grupo ni dating senate president Zubiri, parte pa rin ng Majority bloc

Kung si Senate President Francis Escudero ang tatanungin, bahagi pa rin ng majority bloc ang grupo ni Sen. Juan Miguel Zubiri.

Ipinaliwanag ni Escudero na kasama ang grupo nina Zubiri nang inihal siya bilang pinuno ng Senado sa pamamagitan ng acclamation.

Ang hindi lamang anya sumali at mananatili sa Senate Minority bloc sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros.

Ipinaliwanag ng senate leader na batay sa rules at tradisyon ng Senado, ang mga bumoto sa nanalong senate president ay nagiging kasapi ng majority bloc.

Gayunpaman, sinabi ni Escudero na malaya pa rin ang grupo ni Zubiri na gawin ang nais nila.

Subalit, binigyang-diin niya na nasa mayorya man o minorya, pare pareho silang miyembro ng Senado.

About The Author