dzme1530.ph

Grupo ng mga negosyante mula sa Hawaii, nag-courtesy call sa Pangulo

Nag-courtesy call sa Malakanyang ang mga miyembro ng Filipino Chamber of Commerce of Honolulu at Honolulu City Council Trade Mission.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang espesyal na lugar sa kanyang puso ng Hawaii at ang magandang-loob na ipinakita sa kanya ng Hawaii people.

Samantala, isinulong din ni Marcos ang pagpapaigting ng relasyon sa Hawaii kung saan namamalagi ang maraming Pilipino.

Pinalakas din ang pagtutulungan sa pamumuhunan, turismo, at agrikultura.

Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa seremonya sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, at Department of Tourism Secretary Christina Frasco.

About The Author