Nagbabala ang grupo ng mga magsasaka na posibleng magkaroon ng paghihigpit sa supply ng bigas sa lean months, dahil maaring maantala ang pag-aani bunsod ng tagtuyot.
Ayon sa Federation of Free Farmers Cooperatives, posibleng magkaroon ng kagipitan sa supply ng bigas, lalo na sa mga buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre.
Sinabi ng grupo na ang inaasahang pag-ulan na karaniwang dumadating sa Mayo ay maantala para sa harvest season ng Oktubre hanggang Disyembre.
Dahil sa El Niño, inihayag ng PAGASA, na made-delay ang pag-ulan, kaya mauurong din ang planting season.