dzme1530.ph

Grupo ng health care workers, nagprotesta sa labas ng DOH

Kasabay ng paggunita sa ikatlong taon mula nang ideklara ang COVID-19 pandemic, ilang grupo ng health care workers ang nagprotesta sa labas ng Department of Health (DOH) para kalampagin ang pamahalaan hinggil sa kakulangan ng hakbang kontra COVID-19.  

Kabilang sa nag-rally ang mga miyembro ng Coalition for People’s Right to Health, The People’s Vaccine Asia, Filipino Nurses United (FNU), at iba na pawang kumukundena sa pagkasayang ng higit 50-M doses ng bakuna laban sa COVID-19.  

Ayon sa lider ng FNU na si Jocelyn Andamo, ang mga nurse at iba pang medical frontliners ang mga bayani sa kasagsagan ng pandemya ngunit kabilang sila sa mga hindi nakatikim ng sapat na tulong, sahod, at proteksyon mula sa gobyerno. 

Umapela din ang mga ito na ayusin ng gobyerno ang mga programa sa pangkalusugan para sa kapakanan ng taumbayan. 

About The Author