dzme1530.ph

Grupo, nagbabala sa pagbili ng Laruang Baril na may Water Beads

Binalaan ng isang Toxic Watchdog Group ang publiko laban sa pagbili ng laruang baril na may balang gawa sa Water Beads o Gel Ammunition.

Ayon kay Ban Toxics campaigner Thony Dizon, nababahala sila sa lumalaganap o pagdami ng Gel Blaster Submachine Gun toys sa merkado, bunsod ng potensyal na health and toxicity hazards nito.

Paliwanag ni Dizon, lumalaki kasi ang gel ammunition mula 7 millimeters hanggang 10 millimeters kapag nababad sa tubig.

Ito aniya ay mapanganib sa kalusugan kapag nakain o nabulunan ang mga bata, bunsod ng “Superabsorbent Polymer” content na maaaring maging dahilan para maranasan ang mga sintomas, gaya ng pagsusuka, Dehydration, Infection, Intestinal Blockage, at posible rin na ikamatay.

About The Author