dzme1530.ph

Grupo na bigong makapag-consolidate, wala nang aasahang dayalogo mula sa gobyerno

Hindi na makikipag-dayalogo ang gobyerno sa transport groups at cooperatives na bigong makapag-consolidate para sa PUV modernization program, sa pagtatapos ng deadline nito noong Abril 30.

Ayon kay Dep’t of Transportation – Executive Assistant to the Sec. Jonathan Gesmundo, siyam na beses nang na-extend ang deadline para sa franchise consolidation, at siyam na beses na ring pinagbigyan ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing.

Bukod dito, iginiit ni Gesmundo na binigyan na sila ng equity subsidy na pandagdag sa kanilang downpayment, at binawasan at pinasimple na rin ang mga hinihinging requirements.

Kaugnay dito, nakatutok na umano ngayon ang DOTr sa pagsu-sulong ng mga susunod na hakbang tungo sa PUVMP.

Mababatid na nagmamatigas pa rin ang ilang transport group sa pagtutol sa PUV Consolidation kasabay ng pagsasagawa ng transport strikes.

About The Author